dzme1530.ph

9 bata, nasawi sa pagsabog ng bomba sa Afghanistan

Patay ang siyam na bata matapos sumabog ang isang landmine sa Southeastern Afghanistan.

Ayon kay Information and Culture Department Head Hamidullah Nisar, naglalaro ang mga batang babae at lalaki na nasa apat hanggang 10 taong gulang nang sumabog ang bomba sa Geru district sa Ghazni province.

Ang lugar aniya na ito ay puno nang hindi pumutok na mga granada at mortar mula sa mga laban deka-dekada na ang nalakipas o nang salakayin ng Soviet noong 1979.

Dagdag pa ni Nisar, hindi ito ang unang pagkakataon na may sumabog na bomba sa naturang lugar.

About The Author