Aabot sa 8M Covid-19 vaccines ang mag-e-expire mula Marso hanggang Oktubre ngayong taon.
Ito ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, sa kabuuan aniya ay 15.3 milyong bakuna kontra Covid-19 ang inaasahang masira pagsapit ng Oktubre, pero kung magkasundo ang FDA at Manufacturers na palawigin pa ang shelf life ng nasabing mga bakuna, nasa 7M ang mababawas sa bilang.
Una ng tiniyak ng DOH sa Senado na ligtas ang paraan ng disposal o pagtatapon ng mga expired na bakuna kontra Covid-19, na base sa standards na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).