dzme1530.ph

88 ilog, ini-rekomendang gamitin sa flood control, domestic water, at hydro power

Ini-rekomenda ng Dep’t of Environment and Natural Resources ang paggamit sa 88 tinukoy na mga ilog sa bansa para sa flood control, domestic water, at hydro power.

Sa meeting sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inihayag ng Private Sector Advisory Council – Infrastructure Sector Group na ipinatutupad na ng Dep’t of Public Works and Highways bilang priority ang flood control basins project sa ilalim ng infrastructure flagship projects.

Sinabi ng P-SAC na malaking bagay ang paggamit sa mga ilog upang maibsan ang mga pagbaha at mapalawak ang water distribution.

Samantala, iginiit din ng grupo na dapat tularan ng iba pang lugar sa bansa ang water distribution system sa Metro Manila para sa maayos na suplay ng tubig. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author