dzme1530.ph

$88.4-M investments mula sa foreign trips ng Pangulo, naisakatuparan na!

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa $88.4-M o P4.86-B na halaga ng investments mula sa foreign trip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naisakatuparan na sa bansa.

Sa kakatapos lamang na press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Trade Sec. Alfredo Pascual na hanggang Hunyo ngayong taon ay nasa mahigit $88-M na halaga ng investments ang nag-materialize na.

Anim na kumpanya umano ang nauna nang nagpasok ng investments, at inaasahang lilikha ito ng mahigit 4,000 trabaho.

Samantala, sinabi rin ni Pascual na nasa $70-B na halaga ng investments ang nasa pipeline o pinagpa-planuhan na.

Ang datos ay nagmula sa mekanismong itinatag ng DTI upang i-monitor o bantayan ang investment pledges na nakalap ng Pangulo sa kanyang foreign visits. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author