![]()
Umaabot sa 87 Pilipino ang nakabalik na sa bansa mula sa Qatar sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Ayon sa Department of Migrant Workers, unang dumating nitong Sabado ang 54 na OFWs at 13 dependents.
Kinabukasan, nakabalik sa bansa ang 19 OFWs at isang dependent.
Bahagi pa rin ito ng repatriation efforts ng gobyerno.
Ang mga nakabalik na Pinoy ay pinagkalooban ng tulong pinansyal, medikal, pagkain, pamasahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan, at pansamantalang matutuluyan.
Sa tala ng DMW, sa kabuuan, 584 na OFW mula Qatar ang napauwi ng gobyerno.
