dzme1530.ph

87% ng mga Pinoy, nais na bigyang prayoridad ng Senado ang edukasyon sa papasok na 20th Congress

Loading

Walumpu’t pitong porsyento (87%) ng mga Pilipino ang nagnanais na i-prayoridad ng Senado ang mga reporma sa edukasyon sa papasok na 20th Congress, batay sa pinakahuling survey ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS).

Sa May 2-6 survey, tinanong ang 1,800 na registered voters  kung anong mga isyu ang dapat unahin ng Senado pagkatapos ng May 12 midterm elections.

Malaking bilang ng respondents ang nagsabing dapat bigyang prayoridad ng mataas na kapulungan ang pagpapabuti sa accessibility sa edukasyon.

Sa pamamagitan ito ng pagpapalakas sa public education system, pamamahagi ng scholarships, at pagpapalawak ng vocational training programs.

Lumitaw din sa SWS survey na 83% ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat suportahan ng mga senador ang pagpapaunlad sa agrikultura, sa pamamagitan ng subsidiya, training, at market access para sa mga magsasaka upang mapalakas ang food security.

82% naman ang nagsabing dapat i-prayoridad ng Senado ang pag-i-invest sa healthcare system habang 79% ang naniniwalang dapat isulong ng mga senador ang pagpapalawak ng social welfare programs para sa low-income families.

About The Author