dzme1530.ph

850,000 FFP, naipamahagi ng DSWD sa mga nasalanta ng mga bagyo at habagat

Loading

Umabot na sa 850,000 na family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mamamayang naapektuhan ng bagyong Crising, Dante, Emong, at ng habagat.

Sa panayam kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ilang oras bago magsimula ang ika-apat na SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasan Pambansa, sinabi nito na ito ang pinakamalaki at pinakamabilis na pamamahagi ng family food packs ng ahensya sa isang disaster.

Ito aniya ay bahagi ng direktiba ng Pangulo.

Bukod diyan, malaki rin ang naging epekto ng pag-preposition ng mga FFP sa iba’t ibang regional offices ng ahensya upang mapabilis pa ang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga naapektuhan ng mga kalamidad.

Matatandaang una nang sinabi ni Gatchalian na mayroong halos tatlong milyong prepositioned FFP ang nakahanda sa ahensya bago pa man tumama ang bagyong Crising.

About The Author