dzme1530.ph

84 lungsod at bayan, nagdeklara ng state of calamity dahil sa sama ng panahon — NDRRMC

Loading

Patuloy na nadaragdagan ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng habagat at mga nagdaang bagyo.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 84 na lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity.

Pinakamarami rito ay mula sa Region 3 na may 42 lugar, kasunod ang CALABARZON na may 27, Region 1 na may 6, NCR na may 5, Region 6 na may 3, at isa mula sa MIMAROPA.

Sa ilalim ng deklarasyon ng state of calamity, pinapayagan ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang calamity fund upang mas mabilis na maipamahagi ang ayuda at makapagpatupad ng disaster response para sa mga naapektuhan ng masamang panahon.

About The Author