dzme1530.ph

83% NG MGA PINOY, NANINIWALA NA ANG PAPEL NG KABABAIHAN AY ALAGAAN ANG TAHANAN AT PAMILYA, AYON SA SURVEY

Loading

Mas nakararaming pilipino ang naniniwala na ang papel ng kababaihan ay alagaan ang tahanan at pamilya, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS)
 
83% ng respondents ang sumang-ayon sa pahayag, na ang trabaho ng lalaki ay kumita ng pera habang ang babae ay alagaan ang tahanan at pamilya.
 
8 percent naman ang tumutol sa pahayag habang 9% ang undecided.
 
Apat mula sa limang pinoy din ang sang-ayon sa statement na ang pagiging housewife at kasing fulfilling ng nagta-trabaho na may sweldo, habang 11% ang hindi sang-ayon at 7% ang undecided.
 
Samantala, 75% naman ang tumango sa statement na ayos lang ang magtrabaho subalit ang pinakagusto ng karamihan ng mga babae ay tahanan at mga anak, habang 14% ang umiling at 10% ang undecided.
 
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews, simula Nov. 24 to 30, 2025, sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

About The Author