Aabot sa 80 indibidwal ang hinihinalang tinamaan ng food poisoning matapos kumain ng handa sa isang tribal wedding sa South Upi, Maguindanao del Sur.
Ayon sa Integrated Health Office, nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima at karamihan sa mga ito ay isinugod pa sa ospital makaraang sumama ang pakiramdam.
Isa sa mga tinitingnan sanhi ng food poison ay ang inihandang Beniton, na may sangkap na gata ng niyog, na posibleng agad na napanis dahil sa matinding init ng panahon.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. —Katrina Almojano, DZME Intern