Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial para sagutin ang mga reklamo laban sa kanya, batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research.
Sa resulta ng July 2025 Tugon ng Masa survey na inilabas kagabi, 80 percent ng 1,200 respondents ang sumang-ayon nang tanungin kung dapat bang humarap si VP Sara sa impeachment trial.
14 percent naman ang tumutol, habang 7 percent ang undecided o tumangging sumagot.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews simula July 12 hanggang 17, isang linggo bago idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang articles of impeachment na inihain ng Kamara laban sa Bise Presidente.