Tuluyan nang nakarekober ang lahat ng walong indibidwal na tinamaan ng Mpox sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa ngayon ay mahigpit pa ring binabantayan ng Ministry of Health (MOH) sa BARMM ang 37 indibidwal na hinihinalaang tinamaan ng Mpox.
Ayon sa Regional Health Officials, naipadala na ang blood samples ng mga pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine, sa Muntinlupa City, para makumpirma ang diagnosis.
Sinabi ng Local Executives na nagbigay ang MOH-BARMM ng rasyon na pagkain, bitamina, at ilan pang essential supplies sa walong tinamaan ng Mpox, habang nasa isolation ang mga pasyente.