dzme1530.ph

8 sugatan, 2 arestado sa demolisyon sa Pampanga

Walo ang sugatan habang dalawa ang arestado nang sumiklab ang karahasan sa gitna ng demolisyon sa residential area sa Barangay Anunas, sa Angeles City, Pampanga.

Sa kasagsagan ng komprontasyon sa pagitan ng mga residente at demolition team ay umalingawngaw ang mga putok ng baril, habang mayroon pang mga naghagis ng mga bato, at nagsunog ng mga gulong.

Ayon sa mga residente, nagulat sila sa timing at marahas na operasyon ng demolition team na armado ng mga baril.

Limang residente at tatlong pulis ang nasugatan sa insidente habang dalawang indibidwal ang dinakip makaraang paputukan umano ang mga otoridad.

About The Author