Umabot na sa walong senador ang posibleng sumuporta sa pagdaragdag ng budget sa Office of the Vice President.
Ito ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva makaraang maibaba sa ₱733 milyon ang panukalang pondo sa OVP mula sa ₱2.03 billion na ipinanukala ng Office of the President.
Sinabi ni Villanueva na una sa ikinukonsidera niya ay ang mga empleyado na mawawalan ng trabaho dahil sa posibleng pagsasara ng mga satellite office ng OVP.
Ipinaalala rin ng senador na ang ₱2 bilyon ay inaprubahan mismo ng Office of the President kaya’t bilang respeto sa Pangulo ay hindi makatarungang bawasan ito ng mahigit kalahati.
Nilinaw naman ng senador na para sa kaniya hind kinakailangang ibalik nang buo ang pondo at kung maaari ay madagdagan na lamang ng ₱150-M ang inaprubahan ng Kamara.
Nirerespeto naman ni Villanueva ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na boboto siya kontra sa anumang mosyon para dagdagan ang budget ng OVP. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News