dzme1530.ph

8 sasakyan, hinuli ng LTO, Avsegroup sa NAIA dahil sa paglabag sa transportasyon

Loading

Walong sasakyan ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Land Transportation Office (LTO) at PNP Aviation Security Group (Avsegroup) sa isang operasyon sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Avsegroup, ang mga nasabing sasakyan ay sangkot sa iba’t ibang paglabag sa transportasyon sa NAIA complex.

Kabilang sa mga nahuli ang tatlong taxi, apat na Transport Network Vehicle Service (TNVS), at isang pribadong sasakyan na walang prangkisa at naningil ng overcharging sa mga pasahero.

Inisyuhan ng temporary operator’s permit (TOP) ang mga driver, habang dinala sa Avsegroup headquarters ang mga sasakyan para sa kaukulang dokumentasyon.

Tiniyak ng Avsegroup na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga abusadong driver sa paliparan.

About The Author