Walo sa bawat sampung Pilipino ang nagtitiwala sa integridad ng nakalipas na May 12 elections, ayon sa pinakahuling OCTA Research survey.
Batay sa July 12–17 Tugon ng Masa survey sa 1,200 respondents, mayorya o 83% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng kumpiyansa sa accuracy at credibility ng opisyal na resulta ng 2025 national at local elections (NLE).
Apat na porsyento naman ang nagsabing wala silang tiwala, habang 14% ang undecided.
Lumabas din sa survey na 64% ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ng COMELEC sa nagdaang halalan, at sumang-ayon na naipatupad nito ang malaya, patas, at credible na eleksyon.
Apat na porsyento ang tumutol habang 33% ang nanatiling neutral.