dzme1530.ph

8 patay, 400 sugatan sa girian ng mga demonstrador at mga pulis sa Kenya

Loading

Hindi bababa sa 4 katao ang patay habang 400 ang sugatan makaraang libo-libong residente ang sumugod sa mga lansangan ng Kenya para mag-protesta laban sa administrasyon ni President William Ruto.

Nagpang-abot ang mga pulis at mga demonstrador sa kabisera na Nairobi at sa iba pang mga lungsod, isang taon mula nang mangyari ang madugong anti-government demonstrations sa bansa noong 2024.

Ipinagbawal ng pamahalaan ang live TV at radio coverage ng mga kilos-protesta, subalit kinontra ito ng High Court sa Nairobi.

Hinimok naman ni Ruto ang mga demonstrador na huwag ilagay sa alanganin ang kapayapaan at katatagan ng bansa, sa gitna ng pagpupumilit ng mga raliyista na makarating sa kanyang official residence subalit itinaboy ang mga ito ng mga pulis.

About The Author