dzme1530.ph

78 PINOY NA NAGTRABAHO SA SCAM HUBS SA MYANMAR, NAGHIHINTAY NALANG NG CLEARANCE PARA MAKAUWI SA BANSA

Loading

Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Philippine Embassy sa Myanmar para sagipin ang 78 Filipinos na ni-recruit para magtrabaho sa scam hubs.

 

Sinabi ni DMW Undersecretary Felicitas Bay na naghihintay lamang ang pamahalaan ng clearance mula sa Ministry of Foreign Affairs sa Myanmar bago maiuwi ang mga nakaditineng Pilipino.

 

Nakapag-pauwi na ang dmw ng 839 Filipinos mula sa Myanmar noong 2025, kabilang ang 690 na tumanggap ng welfare assistance.

 

Patuloy ang monitoring ng ahensya sa online posting ng package tours at alok na trabaho mula sa Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar.

 

Ito’y makaraang mahigit 200 Filipinos sa Myanmar ang humingi ng tulong sa gobyerno para sa repatriation.

About The Author