dzme1530.ph

78% ng mga pananim na napinsala ng El Niño, mapakikinabangan pa

Inihayag ng Task Force El Niño na mapakikinabangan pa ang 78% mula sa kabuuang 66,000 na ektarya ng mga pananim na napinsala ng El Niño o matinding tagtuyot.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public briefing, inihayag ni Task Force El Niño Spokesman at PCO Asec. Joey Villarama na kahit tuyot na tuyot na ang nasabing 78% na lawak ng mga pananim, maaari pa rin itong maani.

Samantala, ang nalalabing 22% naman ay pwede pa ring maipakain sa mga hayop.

sa ngayon ay pumalo na sa 3.94 billion pesos ang halaga ng pinsala ng El Niño sa .

Iginiit naman ni Villarama na nakatulong ang mga ginawang aksyon ng Gobyerno upang maibsan at mapanatiling maliit ang danyos ng tagtuyot kumpara sa mga naitala sa nakaraan.

About The Author