dzme1530.ph

772 free WiFi sites, itatatag sa ilalim ng PH digital infra project

Itatatag nationwide ang pitundaan at 772 free wifi sites, sa ilalim ng inaprubahang Philippine Digital Infrastructure project.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DICT Usec. Jeffrey Ian Dy na karamihan sa free wifi sites ay itutuon sa Mindanao, partikular sa Regions 11 at 13.

Magkakaroon ito ng minimum speed na 50 mbps, at may espasyo pa hanggang 200 mbps.

Lima hanggang anim na milyong indibidwal ang inaasahang makakagamit nito, at maaari pa itong madagdagan sa pagtaas ng populasyon sa sampung taong itatagal ng proyekto.

Sinabi ni Dy na ang pagtaas ng internet penetration ay nagpapasigla rin ng ekonomiya at mayroon itong balik sa gross domestic product.

About The Author