dzme1530.ph

75-MILLION PESO FUEL ASSISTANCE PARA SA MGA MANGINGISDA, INILABAS NG DA

Loading

Inanunsyo ng Department of Agriculture ang paglalabas ng 75 million pesos na fuel assistance para sa mga mangingisda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
 
Sa statement, inihayag ng DA na ipagkakaloob ang fuel assistance sa mahigit 15,000 na mga mangingisda sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
 
Palalawakin ang programa sa pamamagitan ng additional funds sa ilalim ng Presidential Assistance Program for Farmers and Fisherfolk.
 
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pagpapatupad ng immediate at sustained interventions ay para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na malagpasan ang mga pagsubok dulot ng energy emergency.
 
Idinagdag ni Tiu Laurel na ang mga naturang hakbang ay hindi lamang para magbigay ng napapanahong tulong, kundi para mapabuti ang supply chain efficiency at mapalawak ang direct market access.

About The Author