Inaanyayahan ng pamahalaan ng lungsod ng Pasay ang mga mamamayan nito na lumahok sa gaganaping Job Fair kaugnay ng pagdiriwang ng ika-122 taong Araw ng Paggawa ngayon Mayo 1, 2024.
Ang Job Fair ay pinangunahan ni Mayor Emi Calixto Rubiano na nagsimula ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong araw.
Dahil sa matinding init ng panahon, minabuti ng akalde na isagawa ang job fair sa Mall of Asia Music Hall upang hindi malantad sa panganib ang mga job seekers.
Mahigit 7,000 Job Vacancies ang naghihintay sa mga taga-Pasay mula sa 70 lokal at overseas employers gayundin ang libreng skills training mula sa TESDA.
Mayroon ding One-Stop-Shop para sa pag-aayos ng dokumento at iba pang rekisitos sa pagpasok sa trabaho tulad ng SSS, Pag-Ibig, Philhealth, BIR, NBI, OWWA, DTI, PSA, atbp.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng updated resume, sariling ballpen at angkop na kasuotan para sa interview at posibleng maging Hired On-The-Spot (HOTS).