dzme1530.ph

70 patay sa hidwaan ng armadong grupo sa Haiti

Hindi bababa sa 70 ang patay habang 40 naman ang sugatan sa nagpapatuloy na hidwaan sa pagitan ng mga armadong grupo sa lalawigan ng Cite Soleil, Port-Au-Prince, Haiti.

Ayon sa United Nations’ Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), nakakaalarma na ang sitwasyon ng humanitarian at security sa maraming lugar sa cite soleil, kung saan nakatira ang ilang daang libong katao.

Dagdag pa ng OCHA, pinaka apektado sa kaguluhan ay ang mga kababaihan at mga bata na lalong nalantad sa kalupitan ng mga armadong grupo.

Bukod aniya sa karahasan, dumaranas na rin ang mga residente ng matinding kawalan ng pagkain at sakit na pinalala ng sunod-sunod na malalakas na pag-ulang tumama sa lugar.

Kasunod nito, patuloy ang panawagan ng OCHA para sa mga pangangailangan ng mga apektadong resdiente kabilang na ang humanitarian aid, gamot, pagkain at suplay ng tubig. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author