Barado ng basura ang 70% ng internal drainages sa Metro Manila.
Ayon sa Dep’t of Public Works and Highways, sa isinagawang pag-aaral ay nakitang 30% efficient na lamang ang internal drainage system sa NCR.
Kaugnay dito, iginiit ni DPWH Sec. Manny Bonoan na kailangan nang magkaroon ng rehabilitasyon at pag-uupgrade sa mga luma at maliliit na drainage pipes.
Bukod dito, tinukoy ding problema ang informal settlers o mga naninirahan sa tabi ng waterways.
Katuwang naman ang Metropolitan Manila Development Authority ay isusulong ng DPWH ang Comprehensive Drainage Masterplan na magsasaayos ng drainage system sa NCR upang mai-akma ito sa kasalukuyang panahon kung saan mayroon nang Climate Change, mas mataas na ang lebel ng tubig sa karagatan, at mas malalakas na ang mga pag-ulan.
Hinikayat din ni MMDA Chairman Romando Artes ang komunidad na maging disiplinado at responsable sa pagtatapon ng basura.