dzme1530.ph

7 private schools na may ‘ghost students,’ kinasuhan ng DepEd

Loading

Kinasuhan ng Department of Education (DepEd) ang pitong pribadong paaralan dahil sa umano’y pagkakaroon ng “ghost students” o non-existent enrollees na nakinabang sa voucher program ng pamahalaan.

Tugon ito ni Education Sec. Sonny Angara sa tanong ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto sa pagdinig ng House Appropriations Committee.

Ayon kay Angara, may kabuuang halagang ₱61.9 milyon ang isinampang criminal cases, habang patuloy ding nagsasagawa ng imbestigasyon ang DepEd Legal Department sa kaparehong mga kaso.

Noong Pebrero, isiniwalat ng DepEd na may 12 private schools silang iniimbestigahan dahil sa umano’y pagkakaroon ng ghost students sa ilalim ng Senior High School Voucher Program.

About The Author