dzme1530.ph

7 natatanging chorale groups, tumanggap ng ₱1.4-M incentives sa Gintong Parangal sa Malakanyang

Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pitong natatanging chorale groups sa bansa.

Sa “Gintong Parangal” ceremony sa Malakanyang, binigyang-pugay ng Pangulo kasama si First Lady Liza Marcos ang chorale groups na University of the Philippines Manila Chorale, Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. Concert Chorus, Sola Gratia Chorale, University of Mindanao Chorale, Los Cantantes de Manila, Imusicapella, at University of Santo Tomas Singers.

Tumanggap sila ng tig- ₱200,000 at plaque of appreciation.

Sa kanyang talumpati, pinuri ng Pangulo ang talento ng Filipino choirs na pang “world-class international level”, at ang kanilang pagtataguyod sa musikang Pilipino na napakahalagang bahagi ng kultura. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author