Inaasahan ang “danger level” na heat index sa pitong lugar sa bansa, ngayong Biyernes.
Ayon sa PAGASA, aabot sa 46°C ang mararanasang damang init sa Dagupan City sa Pangasinan habang 43°C sa General Santos City, sa South Cotabato.
Samantala, posibleng makaranas ng hanggang 42°C na heat index ngayong araw ang Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite City; at Cuyo, Palawan.
Sa Metro Manila, maaring umabot sa 40°C ang damang init sa naia Pasay City habang 39°C sa Science Garden sa Quezon City.