dzme1530.ph

7-day testing positivity rates ng COVID-19 sa bansa, bumaba! -OCTA

Bumaba ang seven-day positivity rate o ang porsyento ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sinuri sa ilang lugar sa luzon, batay sa datos ng independent monitoring group na OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula 11.6% noong Hunyo a-10 bumaba sa 7.3% ang positivity rate ng NCR nitong Hunyo a-17.

Bukod dito, naitala din ang below 10% na positivity rates sa Rizal na may 8.8%, at Bulacan na mayroong 7.6%.

Kahapon, Hunyo a-18, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 726 new COVID-19 cases sa bansa, nasa 8,861 ang active caseload, 870 ang nadagdag sa bilang ng nakarekober na habang wala namang naitalang bagong nasawi. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author