dzme1530.ph

7.5k PDL mula sa NBP, ililipat sa iba’t ibang penal farm simula ngayong taon

Sisimulan na ngayong taon ang abot sa 7.500 person deprived of liberty (PDL) ang nakatakdang paglilipat sa iba’t ibang penal farm sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gregorio Catapang Jr. kasunod ng kanyang isinagawang inspection sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) bilang paghahanda sa inisyal na paglilipat sa 500 PDL mula sa National Bilibid Prison.

Ayon kay Catapang, may kabuuang 7,500 PDL mula sa minimum at medium security compound, 2,500 ang ililipat sa IPPF; 2,500 sa Leyte Prison Penal Farm; 2,500 sa Davao Prison and Penal Farm; at 2,500 sa  regional prison and penal farms mula 2024 hanggang 2027 nilang bahagi ng paghahanda para sa pagsasara ng NBP sa 2028.

Paliwanag ni Catapang, pansamantalang gagawing Heinous Crime Facility ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro upang agad na maipatupad ang RA 11928 na popondohan ng Department of Public Works and Highways mula sa 2023 funds.

Ang RA 11928 ay nagtatadhana para sa pagtatatag ng isang hiwalay na pasilidad para sa mga PDL na nahatulan ng mga karumal-dumal na krimen sa mga umiiral na Military Reservations sa iba’t ibang kampo ng AFP sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nag-courtesy call din si Catapang kay Palawan Governor Victorino Dennis Socrates kung saan tinalakay nito ang action plan para sa paglalagay ng solar power plant sa IPPF at para na rin matulungan ang probinsya sa pangangailangan nito sa power generation. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author