dzme1530.ph

7/10 Pinoys, naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas

Pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na nasa tamang direksyon pa rin ang bansa, batay sa survey ng OCTA Research Group.

Sa Tugon ng Masa survey mula July 22 hanggang 26, 72% ng 1,200 respondents ang nagsabing nananatili sa tamang direksyon ang Pilipinas.

11% naman ang nagsabing wala na sa tamang daan ang bansa habang 16% ang undecided.

Ang pinakabagong pigura ay 13% na mas mababa kumpara sa 85% na naitala noong October 2022 Tugon survey, at 4% mas mababa noong March 2023. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author