Animnapu’t anim na porsyento (66%) ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat harapin ni Vice President Sara Duterte ang impeachment charges at sagutin ang lahat ng alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase.
Sa June 25 to 29 survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa, 19% ang may salungat na sagot habang 15% ang undecided.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na porsyento ng respondents na nagsabing dapat harapin ni Duterte ang impeachment case, na nasa 76 percent.
Sumunod ang Balance Luzon na may 69%; Visayas, 67 percent; at Mindanao, 55 percent.