dzme1530.ph

66% ng mga Pinoy, hindi kontento sa mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa inflation

Loading

Mayorya o 66% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila kontento sa mga hakbang ng Marcos administration para matugunan ang lumalalang inflation.

Sa June 26 to 30 survey na isinagawa ng Pulse Asia, lumitaw din na 48% ng 1,200 respondents ang tutol sa hakbang ng pamahalaan para dagdagan ang sweldo ng mga manggagawa.

Hindi rin aprubado ng 54 percent ng mga Pilipino ang aksyon ng gobyerno sa pagbawas ng kahirapan; 50 percent sa paglaban sa korapsyon; at 40 percent sa pagtugon sa problema sa kagutuman.

Samantala, nakakuha naman ng majority approval ratings ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng calamity-hit areas (63%), pagprotekta sa kapakanan ng overseas Filipino workers (62%), at pagtulong sa mga magsasaka (53%).

About The Author