dzme1530.ph

65% ng mga Pinoy, wala pa ring access sa internet -DICT

Mayorya ng mga Pinoy ay wala pa ring access o hindi pa rin konektado sa internet.

Ayon kay Department of Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations Anna Mae Lamentillo, 65% ng Filipinos ang bigo pa ring magkaroon ng internet access.

Lumabas din aniya sa kanilang pag-aaral na mayroong 86% ng mga Pinay ang may internet access ngunit hindi naman nila ito ginagamit sa mahahalagang gawain habang 26% lamang ang gumagamit nito sa paghahanap ng edukasyon at mga serbisyo ng gobyerno.

Sinabi ni Lamentillo na mahalagang matiyak na walang maiiwan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga Pilipino ng mga kagamitan at kasanayan na kailangan para umunlad sa fourth industrial revolution.

Dahil 35% lamang ng bansa ang may access sa internet, sinabi ni Lamentillo na ginagawa na ng DICT ang kanilang makakaya para ikonekta o magka-access ang bawat barangay sa bansa sa cyberspace. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author