Mayorya o 64 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na ang mga problema ng demokrasya sa Pilipinas ay bunsod ng korapsyon at fake news, batay sa non-commissioned survey ng Philippine Observatory on Democracy.
Ayon kay Ateneo School of Government Dean Philip Arnold Tuaño, na siyang nagprisinta ng resulta ng survey, 37% ng respondents ang nagsabing malaki ang problema sa demokrasya ng bansa habang 27% ang naniniwalang “minor” lamang ang mga isyu.
Sinabi ni Tuaño na 67% ng respondents ang sumagot na ang pinakamalaking problema na kinakaharap ng demokrasya ay korapsyon, at pagkalat ng fake news at disinformation.
Ang misinformation ay tinukoy naman bilang major problem ng 49 percent.
Sinundan ito ng iba pang issues, gaya ng Bureaucracy, Nepotism, kawalan ng kredibilidad ng mga institusyon o mga lider, red tape, kawalan ng transparency, hindi pagkilala sa human rights, at kawalan ng partisipasyon sa decision-making.