dzme1530.ph

63 Pinoy sa Haiti, ire-repatriate sa harap ng gang violence

Ire-repatriate ng gobyerno ang 63 Pilipino sa Haiti sa harap ng lumalalang gang violence.

Ito ay makaraang aprubahan ng Dep’t of Foreign Affairs ang rekomendasyong itaas sa Alert 3 ang sitwasyon sa nasabing Caribbean country.

Ayon sa Malacañang, inaayos na ng DFA at Overseas Workers Welfare Administration ang chartered flight para sa mga Pinoy.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy at DMW – OWWA Office sa Washington D.C., sa Philippine Honorary Consul General sa Haiti at sa Filipino Community para sa planong repatriation.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang gulo sa Haiti at hindi rin muna ipinapayo ang land travel sa Haiti capital na Port-au-Prince.

About The Author