Aabot sa 61 tourist sites ng bansa ang naapektuhan ng oil spill mula sa motor tanker na lumubog sa Oriental Mindoro at posible pa itong madagdagan, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Kaugnay nito, sinabi ni DOT Sec. Christina Frasco, na mahigpit silang nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, pati na sa mga Local Government Units at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Sa kabila naman ng sitwasyon, binigyang diin ng DOT-MIMAROPA na ang kanilang rehiyon ay nananatiling bukas sa publiko, maging ang iba pang mga bahagi ng Oriental Mindoro.
Inihayag ni DOT-MIMAROPA Reg. Dir. Zeny Cinco Pallugna na marami pang maaring pasyalan sa rehiyon, gaya ng “heart and soul” ng tourism attraction sa Mindoro na Puerta Galera.