dzme1530.ph

6,000 Palestinians naitalang patay sa Gaza

Sa harap ng walang patid na palitan ng pag-atake ng Israeli Forces at Milanteng Hamas, umabot na sa halos 6,000 ang mga nasawi.

Sa tala ng Palestinian Health Ministry, 5,791 na ang nasawing Palestinians, kabilang ang mahigit 2,000 mga bata sa nagpapatuloy na digmaan.

Mahigit 700 na Palestino rin ang nadagdag sa mga binawian ng buhay na pinakamataas na naitala sa loob ng lamang ng isang araw.

Inaasahang titindi pa ang kaguluhan bunsod ng ilulunsad na ground operations ng Israel.

Patuloy naman ang panawagan ng United Nations na magkaroon ng “humanitarian pause” at payagan ang pagpasok ng supply ng langis sa Gaza na mahigpit na ipinagbabawal ng Israel sa pangambang gamitin ito ng hamas.

–Ulat ni Lea Soriano Rivera

About The Author