dzme1530.ph

600 na reactionary standby support force ng NCRPO, nakahanda sakaling sabayan ng kilos protesta ang paggunita ng Undas 2025

Loading

Hindi isinasantabi ng National Capital Region Police Office ang posibilidad na magsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo kasabay ng paggunita ng Undas 2025 sa Sabado.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Maj. Hazel Asilo, bagama’t wala pa silang natatanggap na permits mula sa mga grupong magsasagawa ng rally, nakahanda pa rin ang animnaraang pulis mula sa Reactionary Standby Support Force ng NCRPO sakaling magkaroon ng lightning rallies sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Bagama’t wala pang namomonitor na anumang banta sa seguridad, ipakakalat pa rin ang mahigit 8,500 pulis sa mga sementeryo, kolumbaryo, at iba pang matataong lugar upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Tiniyak ng NCRPO na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya upang maging handa sa anumang posibleng mangyari bago, habang, at matapos ang paggunita ng Undas 2025.

About The Author