Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang mga kabaro nilang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental kamakailan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño, bukod sa mga essential goods, pinag-aaralan din na bigyan ng tulong pinansyal ang mga apektadong pulis.
Batay sa datos ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), 60 pulis at kanilang mga pamilya ang naapektuhan ng lindol, 57 dito ay uniformed personnel at 3 ay non-uniformed staff.
Apat na police station din ang nagtamo ng matinding pinsala kabilang ang Tarragona Police Station sa Barangay Central, Caraga Police Station, Baganga Police Station, at Mati Police Station, kung saan nagtamo ng mga bitak sa sahig at dingding ang mga gusali.
Patuloy pa ang assessment ng PNP sa mga nasirang imprastraktura.