dzme1530.ph

60 Pinoy mula sa Israel, nakauwi na sa bansa

Kabuuang nasa 60 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Israel ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, sa Pasay City, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa pagdating ng bagong batch, umabot na sa 879 Filipinos ang natulungan ng DMW at Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) na makauwi, simula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon sa DMW, ito na ang pinakamalaking batch ng returning OFWs na umuwi sa Pilipinas, at nag-avail  ng Voluntary Repatriation Program ng pamahalaan.

Isang OFW naman ang hindi nakasama sa flight pabalik ng bansa makaraang magkasakit.

Dinala siya sa ospital ng mga opisyal ng Philippine embassy at Migrant Workers office sa Abu Dhabi para malapatan lunas at ma-obserbahan.

About The Author