Anim pang natitirang priority bills ng Legislative Executive development advisory council (LEDAC) ang bibigyang prayoridad ng Senado sa pagbubukas muli ng sesyon sa susunod na buwan.
Kasama rito mga nakapila para sa senate plenary deliberation na kinabibilangan ng Blue Economy Act, Enterprise-Based Education and Training Framework Act, pag-amyenda sa Universal Health Care Act, pagtatatag ng Department of Water Resources, Open Access in Data Transmission Act, at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) bill.
Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, naging produktibo ang LEDAC meeting sa gitna nang nabuong commitment para sa pagbibigay prayoridad sa mga mahahalaga at makabuluhang mga panukalang batas sa nalalabing 73 session days ng 19th congress.
Kabilang din sa senate priority bills ang panukalang amyenda sa Right-of-Way Act (Republic Act 10752), sa Investors’ Lease Act (R.A. 7652), at sa Comprehensive Agrarian Reform Lawa (R.A. 6657).
Aminado naman si Escudero na kinakailangan pa na mas liwanagin ang apat na LEDAC bills kasama ang Waste-to-Energy (Senate Bill No. 2267), Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (SB No. 2034), Unified System of Separation, Retirement, and Pension of Military and Uniformed Personnel (SB No. 2501), at ang E-Government Act/E-Governance Act.
Kumpiyansa ang senate leader na sa pamamagitan ng kolaborasyon at dedikasyon ng Senado, Kamara at Ehekutibo ay makakamit ang mga legislative goals ng administrasyon.