dzme1530.ph

6 na suspek sa Jemboy Baltazar killing, sumuko na!

Sumuko na sa mga otoridad ang anim na pulis na sangkot sa pagkasawi ni Jemboy Baltazar sa Navotas City.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGEN Romeo Caramat, kusang loob na sumuko ang mga suspek sa opisina ng CIDG sa Quezon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas Regional Trial Court Branch 286.

Kabilang dito ay sina PEMS Roberto Balais Jr.; PSSG Gerry Maliban; PSSG Antonio Bugayong Jr.; PSSSG Nikko Pines Esquilon; PCPL Edmard Jade Blanco; at Patrolman Benedict Mangada.

Ani Caramat, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng CIDG Quezon at Camp Guillermo Nakar sa Lucena City ang mga akusado at hindi maaaring makapag-piyansa.

Nabatid na ang naturang mga suspek ay dating personnel ng Navotas police na nasibak sa pwesto matapos masangkot shooting incident na ikinamatay ng 17-taong gulang na binatilyo. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author