Anim na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger level” na heat index o damang init, ngayong Huwebes.
Ayon sa PAGASA, ang heat index sa pagitan ng 42°C at 51°C ay ikinu-konsidera sa “danger” category, dahil sa dala nitong banta sa kalusugan, gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Inaasahang aabot sa 47°C ang damang init ngayong araw sa Dagupan City sa Pangasinan.
Samantala, makararanas naman ng hanggang 43°C na heat index ang Tuguegarao City sa Cagayan; Virac (Synop) sa Catanduanes; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Butuan City, Agusan del Norte; at Legazpi, Albay.