dzme1530.ph

6 katao, patay sa salpukan ng Bus at Tricycle sa Calbayog City

Anim katao ang patay habang anim din ang sugatan sa salpukan ng bus at tricycle sa Calbayog City sa lalawigan ng Samar.

Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi na mula sa dinaluhang Christmas Party ang mga sakay ng tricycle nang mangyari ang aksidente ang Purok 4, Barangay Matobato.

Lumipat umano sa kabilang lane ang tricycle para iwasan ang Early Warning Device ng isang sirang backhoe subalit hindi naman nito naiwasan ang paparating na bus kaya nasalpok ito.

Dead-on-the-spot ang anim na sakay ng tricycle, kabilang ang dalawang menor de edad.

Nasa kustodiya na ng Calbayog City Police Station ang apatnapu’t-anim na taong gulang na driver ng bus.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author