dzme1530.ph

6 empleyado ni Cong. Teves, nasa ilalim ng kustodiya ng PNP-CIDG

Anim na empleyado ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves na nahuli sa serye ng raids sa mga bahay ng kongresista ang nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na apat pa ang at-large, kasama na si Teves na wala nang isilbi ang search warrant.

Ayon naman kay CIDG chief Legal Officer P/Col. Thomas Valmonte, isa sa mga empleyado ay security guard habang ang natitira ay close associates.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa PNP headquarters ang mga ito sa Camp Crame sa Quezon City.

Noong Biyernes ay ni-raid ng PNP ang tatlong bahay ni Teves, pati na ang dalawang iba pa na pag-aari ng kanyang secretary at close associates, sa Bayawan City at Bayan ng Basay sa Negros Oriental.

Narekober sa mga pagsalakay ang sampung maiiksing baril, anim na rifles, 19 na magazines at extended magazines, ilang piraso ng mga bala, mahigit 100 cartridge cases,  isang rifle scope, tatlong hand grenades, at gun holsters.

About The Author