Aabot sa 580 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya na ng Bureau of Correction (BuCor) ngayong umaga mula sa iba’t ibang penal farm sa bansa.
Pinangunahan ni DOJ secretary Crispin Remulla, BuCor Director Gregorio Catapang at PAO chief Persida Acosta ang serimonya sa NBP sa Muntinlupa City.
Una rito 76 ang napalaya mula sa maximum security compound 123 sa medium habang 12 naman mula sa minimum security compound ng NBP.
Dalawang PDL naman ang pinalaya mula sa reception and diagnostic center (RDC), 31 mula sa Leyte regional prison (LRP), at 69 mula sa San Ramon prison and penal farm (SRPPF).
Habang 23 sa Sablayan prison penal farm (SPPF), 39 mula sa Iwahig prison penal farm (IPPF), 46 sa Correction institute for women (CIW) at 159 naman mula sa Davao Prison penal farm (DPPF).
Mula sa mga napalaya 353 dito ang nabigyan ng parole ng pamahalaan dahil sa magandang record sa loob ng bilangguan, 61 ang acquittal, at 102 naman ay expiration of maximum sentence with GCTA good conduct time allowance.
Ayon kay Catapang asahan pa sa mga susunod na linggo o buwan ang pagpapalaya sa mga PDL na isa sa mga deriktiba ng pangulong BBM. —sa ulat ni Tony Gildo