dzme1530.ph

58 na scam farms sa bansa, tinututukan na ng pamahalaan

Tinututukan na ng pamahalaan, ang pagbabantay sa 58 na scam farms sa bansa.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Spokesperson Winston Casio, karamihan sa mga nadiskubreng scam farms, ay nasa loob ng Metro Manila at Central Luzon.

Samantala, lumabas sa pinaka huling datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), umabot na sa 400 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ang mayroong kanseladong lisensya, kung kaya’t nagsimulang mag operate ang mga ito bilang scam hub.

About The Author