dzme1530.ph

57 OFW NA-STRANDED SA HONG KONG INTERNATIONAL AIRPORT, NAKAUWI NA SA PILIPINAS, AYON SA DMW

Loading

Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang 57 OFW na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos makansela ang kanilang flight patungong Abu Dhabi dulot lumalalang tensyon sa Middle East.
 
Ayon sa DMW bago pa ang departure ng mga stranded na OFW ay naihatid na ng Migrant Workers Office ang mga kaukulang tulong at assistance na kanilang kinakailangan.
 
Kabilang na dito ang airport assistance at guidance, pagkain at tubig, mga basic needs at pagbibigay ng mga referrals na kanilang kinakailangan.
‎kasalukuyang naka stand by ang iba pang tauhan ng Migrant Workers Office sa Hong Kong International Airport para ihatid ang kaukulang tulong sa mga naiwan pang OFW sa paliparan.

About The Author