Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng 57 bagong promote na heneral ng Philippine National Police.
Sa seremonya sa Heroes Hall sa Malakanyang ngayong Martes ng hapon, nag-oath taking ang newly-promoted police officials kasama ang kanilang mga pamilya.
Binubuo sila ng 4 na police lt. generals, 10 police major generals, at 43 police brigadier generals.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sina PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., Interior Sec. Benhur Abalos, Presidential Adviser on Military and Police Affairs Sec. Roman Felix, at iba pang opisyal.
Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina Acting Deputy Chief for Administration Police Lt. General Rhodel Sermonia, Acting Deputy Chief for Operations Police Lt. General Michael John Dubria, Commander of the Area Police Command-Southern Luzon Police Lt. General Rhoderick Armamento, at Commander of the Area Police Command-Eastern Mindanao Police Lt. General Filmore Escobal. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News