dzme1530.ph

54 na Chinese vessels, naispatan sa WPS, ayon sa AFP

Mahigit 50 Chinese vessels ang na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea.

Sa press briefing, sinabi ng AFP na kabuuang 54 na Chinese ships ang namataan sa apat na maritime features and islands, sa loob ng Philippines’ Exclusive Economic Zone.

Sa naturang bilang, pito ay mula sa China Coast Guard, 18 ang Chinese maritime militia vessels habang 29 ang fishing vessels o maliliit na bangka.

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, naispatan ang mga barko ng Tsina sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Island, at Panata Island.

About The Author